Robredo, wala pang desisyon sa Halalan 2022 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Robredo, wala pang desisyon sa Halalan 2022

Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Jun 01, 2021 10:55 PM PHT

MAYNILA - Wala pa ring pinal na desisyon si Vice President Leni Robredo kung ano ang kanyang magiging plano sa halalan sa 2022.

Sa naging panayam sa kanya sa online program na “#Chooseday Tuesday” na umere sa YouTube nitong Martes, ang tiniyak lang ni Robredo ay mananatili siya sa public service.

"Iyong sigurado ko lang na gusto ko pa din na public service related, whether elected, whether appointed, iyon lang ang sigurado ko at this point. Iyon lang ang sigurado ko at this point," aniya.

Aminado naman si Robredo na kinikilala niya ang panawagan ng maraming supporters na tumakbo siya sa mas mataas na pusisyon sa 2022.

Aniya, kapag siya ay nagdesisyon, hindi umano niya uunahin ang personal niyang kagustuhan.

“Ang default sa akin, iyong pag-run ng presidente, siguro dahil vice president ako ngayon. Kapag sinabi kong default, that’s what people expect me to do. And ako, sasabihin ko, ano naman ako, iyong sense of duty ko naman mataas. Ang gusto ko sabihin, hindi ko papairalin iyong personal na gusto ko. Halimbawa, gusto ko na magpahinga—talagang gusto ko magpahinga, talagang iyong mga anak ko, gusto nila, mas marami na akong oras sa kanila. Pero again, ako, iyong sense of duty ko naman mataas," ani Robredo.

Alam din aniya ni Robredo na magiging hamon sa kanya ang pagkumbinsi sa mga tao sa nagagawa ng kayang opisina.

Kuwento ng bise presidente, hindi naman niya ugali kasing ipa-media ang kada programa o proyekto na ginagawa ng kanyang opisina, kaya lumalabas sa survey na tingin ng mga tao ay wala siya halos nagagawa sa gobyerno.

"Para sa akin, iyong mga nakakaalam ng ginagawa ko, parang sasabihin, 'walang ginagawa?' Pero ang reality kasi ganoon eh. Ang dami pa ding hindi nakakaalam. And I think it’s because of the political atmosphere," aniya.

Isa si Robredo sa napupusuang kandidato ng opposition coalition na 1Sambayan para sa pagka-presidente sa 2022.

Read More:
Leni Robredo
Vice President Leni Robredo
2022 elections
Halalan 2022
1Sambayan
opposition
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT