Kakapusan ng supply ng kuryente tatagal hanggang Hunyo 7: NGCP | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kakapusan ng supply ng kuryente tatagal hanggang Hunyo 7: NGCP

ABS-CBN News
Published Jun 01, 2021 08:16 PM PHT

Tatagal pa nang hanggang Hunyo 7 ang kinakapos na supply ng kuryente sa buong Luzon dahil sa pagpalya ng mga planta, sabi ngayong Martes ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

"Magtutuloy-tuloy 'yan hanggang probably June 4... then Monday, possibly may red alert pa rin," ani Reynaldo Abadilla, head ng Luzon system operations ng NGCP.

Nakararanas ng rotational brownouts sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa pagpalya ng higit 20 planta.

Dahil sa kakulangan ng supply, nag-anunsiyo ang Meralco ng tig-2 oras na rotating brownout pero iniiwasan umano nilang mawalan ng kuryente ang mga ospital at vaccination sites.

"Walang favoritism dito, everybody shares the burden of being interrupted at any given time," sabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.

Umapela naman ang gobyerno at NGCP sa mga konsumer na magtipid ng kuryente sa gitna ng nakapanlalatang init ng panahon.

Pero inalmahan ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang apela ng gobyerno dahil dapat daw pinaghandaan ang supply ng kuryente, lalo't taon-taon naman ang tag-init.

"Ang rotating brownout ay labis na pabigat lalo na sa mga estudyante natin na may online classes at magulang na work from home," sabi ni Bayan Secretary General Renato Reyes.

Binanatan din ni Reyes si Energy Secretary Alfonso Cusi, na aniya'y inuna pa ang politika sa pagdalo sa pulong ng administration party na PDP–Laban noong Lunes.

Ayon sa Department of Energy, dapat may kinontratang reserbang kuryente ang NGCP.

Sagot naman ni NGCP spokesperson Cynthia Alabanza: "Assuming na naka-100 percent fully contracted si NGCP sa ancillary services, hindi pa rin po mawawala 'yong mga grid alert. Kaya di kami naka-fully contract kasi wala ho kaming mabibilhan."

Kahit may brownout, tiniyak naman ng gobyerno na protektado ang mga bakuna kontra COVID-19 dahil may generator sa pinag-iimbakan ng mga ito.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
kuryente
konsumer
utilities
National Grid Corporation of the Philippines
Meralco
walang kuryente
rotational brownout
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT