Underground hospital para sa Chinese workers sinalakay sa Parañaque | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Underground hospital para sa Chinese workers sinalakay sa Parañaque

ABS-CBN News
Published Jun 01, 2020 05:12 PM PHT
|
Updated Jun 01, 2020 07:26 PM PHT

Isang underground hospital ang sinalakay ng National Bureau of Investigation sa loob ng isang pribadong subdivision sa Parañaque.

Pinasok ng NBI Task Force Against Illegal Drugs (TFAID) ang 3 palapag na bahay sa Multinational Village matapos magkunwaring pasyente ang isang ahente sa naturang entrapment operation.

Sa loob ng bahay, natuklasan ng mga awtoridad ang mga kama, upuan, sabitan ng dextrose at kahong-kahong mga gamot.

Tanging mga Chinese na nagtatrabaho sa mga Philippine offshore gaming operator (POGO) ang ginagamot sa naturang makeshift hospital, ayon kay NBI-TFAID head Ross Galicia.

Wala ring pahintulot ang mga nangangasiwa ng pasilidad na magbigay ng gamot mula sa Department of Health, sabi ni Galicia.

Hindi pa umano masabi kung may tinanggap na COVID-19 patient ang pasilidad.

Wala ring naipakitang mga dokumento ang 4 na Chinese national na nagpapatakbo umano ng tagong ospital.

Ikinulong ang 4 na Chinese dahil sa patong-patong na kaso, kabilang ang paglabag sa Hospital Licensure Act, Food and Drug Administration Act, at Consumer Act.

Dati nang nagreklamo ang mga residente sa homeowners' association ng subdivision ukol sa pagdami ng Chinese POGO workers sa lugar.

Natakot umano ang ilang residente lalo at 4 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa subdivision.

Iginiit naman ni Arnel Gacutan, pangulo ng Multinational Village Homeowner's Association, na wala silang alam tungkol sa ospital.

Nagpaalala naman ang NBI na dapat ay magmasid ang mga barangay kung saan may mga umuupang POGO worker.

Bago nito, hindi bababa sa 4 na hindi awtorisadong Chinese clinic ang sinalakay ng mga awtoridad sa iba-ibang panig ng bansa.

-- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
entrapment operation
National Bureau of Investigation
NBI
Parañaque
Chinese workers
POGO worker
underground hospital
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT