Quarantine facility sa UP College of Human Kinetics, handa na para sa mga gumaling sa COVID-19 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Quarantine facility sa UP College of Human Kinetics, handa na para sa mga gumaling sa COVID-19

Abner Mercado,
ABS-CBN News
Published Jun 01, 2020 09:01 PM PHT
|
Updated Jun 02, 2020 08:21 PM PHT

QUEZON CITY - Handa na ang Kalinga Center quarantine facility sa College of Human Kinetics annex gym sa University of the Philippines-Diliman sa lungsod ng Quezon para sa mga pasyenteng gumaling na sa COVID-19 at nangangailangan lang ng karagdagang quarantine period.

Ayon kay UP CHK Dean Francis Diaz, layon ng quarantine facility na magsilbi sa mga nasa komunidad ng UP Diliman Campus sa panahon ng banta ng COVID-19.

"Ang tawag dito sa facility na ito ay isang step-down quarantine center. When we say step-down, ang ini-envision na iho-host lamang o ika-quarantine sa area na ito ay yung mga patients o individual na naging COVID-positive, gumaling na, nakapag-swab test na, at naging negative na sila, tapos mangangangailangan ng additional 14 days quarantine kasi hindi pa sila makakauwi sa mga sari-sarili nilang bahay,” paliwanag ni Diaz.

Naitayo ang pasilidad sa tulong ng mga pribadong sektor na nagbayanihan, kasama ang grupong ACT AS ONE na ang mga miyembro ay pawang mga alumni ng UP Diliman, at ng Alpha Sigma Fraternity.

Ang pasilidad ay may kaniya-kaniyang tent room para sa mga mangangailangan ng quarantine, at nakadisenyo ayon sa physical distancing safety guidelines.

“Pagka sila ay na-quarantine sa area na ito, mabibigyan sila ng libreng pagkain para sa pang-araw-araw na pangangailangan. Kasama din sa initiative ng private partners natin, bibigyan po sila ng mga smart phones habang nandito para yung kanilang pag-communicate sa kanilang pamilya sa labas,” dagdag ni Diaz.

“Ang panawagan nga ay bayanihan. Kahit saang sektor ka, puwede ka tumulong,” ayon naman kay Atty. Marcelino Arias, Head Volunyeer ng Act as One, at miyembro rin ng Alpha Sigma Fraternity.

Sa pagbabayanihan, ayon kay Arias, kakayanin ang hamon ng COVID-19.

“Kasi wala namang pinipili ang sakit na ito. Taga-UP ka man, mayaman ka man, mahirap ka man, puwede tayo lahat tamaan, “ sabi ni Arias.

Hindi naman magiging abala ang facility sa mga estudyante ng UP Diliman at sa UP Maroons varsity teams, na ginagamit ang annex gym ng UP CHK sa ensayo at mga Physical Education subjects, dahil suspendido na ang second semester at wala ng physical, face-to-face session ang mga klase.

Kanselado rin ang UAAP Season 82, at hindi pa rin malinaw kung magbubukas ang Season 83 sa Agosto.

“Pag dineclare na ng gobyerno na maari na tayong magsimulang pumasok physically sa mga campuses natin, at nakita natin na na-address na nang maayos yung COVID situation, tatanggalin din po ito, kasi ito naman ay space and facility for academic use ng university, ng athletes natin,” paliwanag ni Diaz.

“When we say UP Community, we refer to UP faculty, UP employees, UP students, or members ng UP community na kahit sinong nakatira dito sa Barangay UP campus.”

“Hindi lang naman ikaw empleyado eh. Magulang ka, kapatid ka, nandon ka sa loob ng isang pamilya. Kailangan proteksyonan mo hindi lang yung sarili mo, pati yung nakapaligid sa'yo,” ayon naman kay Eva Garcia Cadiz, administrative officer ng UP College of Music.

“Nakaka-proud ang ginagawa ng UP, at natutuwa tayo na ginagawa ito. Kasabay nito yung kaniyang kahusayan din sa pag-aaral at kahusayan din po sa pagpapatupad nang mahusay na pagtugon sa pandemya, ay nagagawa niya at magawa niya sa loob mismo ng UP community,” dagdag ni Cadiz na Vice President din ng All UP Workers Union.

Maging ang mga medical frontliners ng UP PGH ay maaaring tanggapin ng pasilidad.

Nauna nang binuksan ng pamunuan ng UP Diliman ang Palma Hall kung nasaan ang College of Social Science and Philosophy bilang Kanlungang Palma na maaring arugain ang mga COVID patients. Gayundin ang UP Asian Institute of Tourism, bilang COVID-19 testing facility.

“Hindi lang naman UP CHK ang may ganitong klaseng inisyatiba. Ang buong UP system at buong UP Diliman, mar6aming maraming ginagawang inisyatiba para makatulong sa ating bansa kung paano makakadagdag sulosyun sa napakalaking problema ng pandemya,” ani Diaz.

Panalangin ni Diaz na sa kalaunan ay masulusyunan na nang tuluyan ang pandemya.

“Definitely po, araw-araw, nasa dalangin natin na magkaroon na ng lunas at vaccine itong kinakaharap nating COVID-19 virus.” pagtatapos ni Diaz.

Read More:
UP CHK Kalinga Center
University of the Philippines
College of Human kinetics
quarantine facility
coronavirus
COVID-19
coronavirus updates
COVID-19 updates
TV PATROL
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT