Babaeng tangan ang anak, nasagip nang tumalon sa barko sa Dipolog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babaeng tangan ang anak, nasagip nang tumalon sa barko sa Dipolog

Babaeng tangan ang anak, nasagip nang tumalon sa barko sa Dipolog

Dynah Diestro,

ABS-CBN News

Clipboard

Agad nasagip ang isang babae matapos tumalon mula sa barko karga ang kaniyang 7-buwang gulang anak. Dynah Diestro, ABS-CBN News

DIPOLOG CITY – Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang isang babae matapos na tumalon habang karga ang kaniyang 7-buwang gulang na sanggol mula sa barko malapit sa pier dito sa siyudad, Biyernes ng umaga.

Tumalon umano ang 34 anyos na babae nang malapit nang dumaong ang barkong galing Cebu City sa pier ng Dipolog.

Agad namang na-rescue ng mga tripulante ng barko ang mag-ina.

Ayon kay Petty Officer 3rd Class Errol Rayala, agad silang tinawagan ng chief steward ng barko at humingi ng tulong para magpatawag ng ambulansya na magdadala sa ospital sa mag-ina.

ADVERTISEMENT

“Nasa 4 nautical miles na lang ang layo ng barko para makadaong pero itong pasahero agad nang tumalon sa barko,” sabi ni Rayala.

Kuwento ng nakakitang steward na si Junalyn Rejas, nakita niyang parang nag-aaway ang biktima at asawa nito bago tumalon ang babae.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad ang insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.