9 bahay nasira ng malakas na hangin sa Antique

Joyce Ann Clavecillas, ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2019 01:03 PM


PATNONGON, Antique - Nasira ang ilang bahay dito sa bayan matapos ang malakas na buhos ng ulan at ihip ng hangin, Biyernes.

Mga larawan mula kay James Rubinos

Mga larawan mula kay James Rubinos

Mga larawan mula kay James Rubinos

Siyam na bahay na gawa sa light materials sa Barangay Badiangan ang nawasak dahil sa malakas na bugso ng hangin, sabi ni James Rubino, Information Officer ng Provincial Social Welfare and Development Office ng Antique.

Ang malakas na hangin ay dala ng isang localized thunderstorm, ani Broderick Train, ang provincial disaster officer.

Nagpaabot na ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Patnongon at ang provincial government sa mga pamilyang nawalan ng tirahan.

Pansamantalang nakatira sa kanilang mga kamag-anak ang mga apektadong residente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.