500 trabaho alok sa job fair para sa mga OFW returnee, Koreano | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

500 trabaho alok sa job fair para sa mga OFW returnee, Koreano

500 trabaho alok sa job fair para sa mga OFW returnee, Koreano

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 01, 2019 07:37 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Alok ng isang job fair sa Makati City ang nasa 500 trabaho sa Korea para sa mga trabahador na namalagi na doon at mga Korean national na namamalagi sa Pilipinas.

Bukas ang job fair para sa mga OFW returnee sa ilalim ng Employee Permit System, isang government-to-government na sistema na pumapayag sa mga small at medium Korean companies na mag-hire ng mga dayuhan.

Idinaos ang job fair sa isang hotel nitong Sabado, na isinagawa kaakibat ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Korea.

Karamihan umano sa mga alok na trabaho ay para sa mga factory workers, machine operators, service crew, customer service representatives at IT specialists, ayon kay Dominique Tutay, direktor ng Bureau of Local Employment.

ADVERTISEMENT

Para raw ang job fair sa mga Pilipino at Koreano na naghahanap ng mapagtatrabahuan sa Pilipinas at abroad.

Aaabot sa 42 kompanyang Pinoy at Korean ang lumahok sa job fair. Ilan umano rito ay para sa overseas placement o iyung mga trabaho abroad.

"Magtutulungan both the Philippines and Korea. Magha-hire ang mga Korean company na nandito sa Pilipinas at gustong mag-hire ng mga Pinoy. At the same time, puwede ring mag-hire ang mga Filipino company ng mga Korean,” ani Tutay.

Kabilang sa dumalo si Julito Locaylocay, na isang EPS returnee. Nagtrabaho sa South Korea si Locaylocay mula 2013 hanggang sa umuwi noong Marso 2016 matapos magkaproblema sa dating employer.

Layon niya raw makapasok sa isang electronic company.

ADVERTISEMENT

"Nagbabakasakali akong makapasok sa electronics company kung meron dahil aligned ito sa aking skills... Depende kung ano ang ibibigay sa akin ng Panginoon," ani Locaylocay.

Dumalo rin ang Korean national na si Lee Ansu para makakuha ng trabaho sa finance industry. Nagtapos siya ng Business Management sa De La Salle University sa Maynila at layon niyang makakuha ng trabaho dito.

Ayon kay Korean Ambassador to the Philippines Dong-man Han, tiyak na gustong kumuha ng mga empleyadong Pinoy ang mga Korean company na lumahok sa fair.

"There are many returning [Filipino] workers from Korea. They are very dedicated and devoted that I am sure participating companies would want to employ them here in the Philippines,” aniya.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.