1 patay sa pagsalpok ng kotse sa motorsiklo sa Dipolog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1 patay sa pagsalpok ng kotse sa motorsiklo sa Dipolog

Dinah Diestro,
ABS-CBN News
Published Jun 01, 2019 10:15 AM PHT

DIPOLOG CITY – Patay ang isang babae matapos tumilapon sa motorsiklong binangga ng kotseng minamaneho ng isang dayuhan dito sa siyudad Miyerkoles ng gabi.

Nakilala ang nasawi bilang si Joan Lorejo, 46, habang sugatan naman ang mga kasama nitong si Marilyn Matabalan at Jonathan Rodriguez.

Magka-angkas sina Lorejo at Matabalan sa motorsiklong minamaneho ni Rodriguez at paparada na sana sa Dipolog Boulevard nang salpukin ng kotse ni Absolom Aube na mula Solomon Islands.

Ayon kay Police Cpl. Jose Marvin Carl Robles, nasa magkabilang lane ang dalawang sasakyan pero nag-overtake umano sa isang motorcab si Aube, dahilan para mabangga ang motorsiklo ni Rodriguez.

“Mabilis ‘yung takbo ng kotse, nag-overtake hanggang sa nabangga niya ang motorsiklo. Lasing din ‘yung driver ng kotse,” sabi ni Robles.

Kinasuhan na ng reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries at damage to property ang banyaga.