Mga taniman ng mais sa Isabela, lubog sa baha | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga taniman ng mais sa Isabela, lubog sa baha

Danica Guieb,
ABS-CBN News
Published Jun 01, 2017 01:47 PM PHT

GAMU, Isabela - Lubog sa tubig baha ang mga taniman ng mais sa ilang barangay dito sa probinsya dahil sa pag-apaw ng ilog dala ng malakas na buhos ng ulan nitong mga nakalipas na araw.

Ayon kay Assistant Provincial Agriculturist Fidel Doca, nasa 17.9 hectares ng taniman ng mais ang lubog sa baha.

Hindi na mapakikinabangan ang mga tanim na mais na nababad sa baha dahil nabulok na ang mga ito, sabi ni Doca.

Humingi na ng ayuda mula sa gobyerno ang ilang mga magsasaka upang mabigyan sila ng mga bagong binhi na puwedeng maitanim sa oras na matuyo na ang mga sakahan.

Samantala, sinabi ng mga awtoridad na hindi naman naapektuhan ng pagbaha ang mga taniman ng palay dito sa probinsya.