Mga politiko kanya-kanyang 'happy birthday' kay Sara Duterte | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga politiko kanya-kanyang 'happy birthday' kay Sara Duterte

Mga politiko kanya-kanyang 'happy birthday' kay Sara Duterte

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Nanguna ang magkapatid na Imee at Bongbong Marcos sa paglipad sa Davao City para personal na batiin sa kaniyang kaarawan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sabado pa lang, magkakasama nang nananghalian sina Duterte-Carpio, Imee, at Bongbong para ipagdiwang ang ika-43 birthday ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngayong Lunes ang mismong kaarawan ng alkalde.

"I would like to thank Sen. Imee and former Sen. Bongbong Marcos for their birthday greetings and my husband for the lunch he hosted," sabi ni Duterte-Carpio.

ADVERTISEMENT

Sa kaniyang interview nitong Lunes, inamin ni Duterte-Carpio na napag-usapan nila ang politika.

"Of course, if politicians gather, they talk about politics. It is expected already. You cannot see politicians gathering who do not talk about politics. But that is only I can say about our conversations during their visit," sabi ng alkalde.

Pinasalamatan naman ng mayora ang mga supporters niya na nag-virtual concert noong Linggo para sa kaniyang birthday. Pinaalalahanan niya ang lahat na manatiling ligtas.

Personal namang bumati si House Majority Leader Martin Romualdez kay Duterte-Carpio nitong Lunes ng umaga.

Si House Speaker Lord Allan Velasco naman, bumati ngayong hapon bitbit ang mga pirmadong birthday greetings ng mga kongresista.

ADVERTISEMENT

Noong Linggo ng gabi, nilabas rin ni Velasco sa kaniyang social media ang isang tribute video para sa mayora.

Tingin naman ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, maituturing na "panliligaw" ang ginawa ng mga politiko para hikayatin si Duterte-Carpio na tumakbo sa halalan 2022.

"Obviously, isa itong panliligaw... If the object of your affection hasn't given you her answer, you have to do every imaginable way to convince her to say yes," sabi ng mambabatas.

—Ulat ni RG Cruz, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.