Mga kalabasa sa Nueva Ecija 'binabarat,' nabubulok na lang dahil di nabibili | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga kalabasa sa Nueva Ecija 'binabarat,' nabubulok na lang dahil di nabibili

ABS-CBN News
Published May 31, 2021 08:46 PM PHT

Nabubulok at nauulanan lang ang mga kalabasa sa Zaragoza, Nueva Ecija dahil hindi na nabibili simula nang magkaroon ng pandemya noong nakaraang taon.

Ilang linggo lang naiiwang nakatambak ang mga kalabasa, na 3 buwang pinagpapaguran ng mga magsasaka.

Kung may bumili mang trader, binabarat ito nang hanggang P2 kada kilo kahit dapat ay P7 hanggang P10.

"Ngayon po, marami pa rin pong kalabasa sa amin... hindi sabay-sabay na nakakalakal ang mga kalabasa," sabi ni Orlando Bautista, chairperson ng Barangay Batitang sa Zaragoza.

Ngayon, binibili ng grupong The Kalabasa Project ang mga kalabasa sa halagang P7 kada kilo gamit ang mga donasyong pera para matulungan ang mga naluluging magsasaka.

Dinadala umano ang mga kalabasa sa Metro Manila para ipamigay sa mga community pantry.

"We have moved around 135,000 kilograms of kalabasa around Manila and the GMA (Greater Manila Area) po," sabi ni Kay Jonatas, project lead ng The Kalabasa Project.

Ayon naman kay Ana Patricia Non, ang nagsimula ng community pantry movement, bukod sa kalabasa ay bumibili rin sila ng iba pang gulay — gaya ng kamatis at sayote — direkta sa mga magsasaka gamit ang donasyong pera.

Hindi umano ito oversupply dahil madami pa rin ang nagugutom.
Hindi umano ito oversupply dahil madami pa rin ang nagugutom.
ADVERTISEMENT
"Oversupply kung 'yong mga tao ay nakakakakain nang maayos at sobra, pero in this case, ang nangyayari, kaya siya tinatapon kasi binibili nang barat sa farmers sa napakamurang halaga," sabi ni Non.

Pero hindi rin umano ganoon kalaki ang natatanggap na donasyon ng mga grupo para ipambili ng mga produkto ng mga magsasaka.

Nasa 200,000 kilo pa ng kalabasa ang hindi nabibili sa Zaragoza, Nueva Ecija at nababahala ang mga grupo kung mabibili pa nila ang mga ito.

"I think it's the compassion fatigue already. We are reaching out to as many people as we can kasi hindi rin natin maiiwasan... hindi nga ito long-term solution," sabi ni Jonatas.

"Limited na 'yong resources," sabi naman ni Non.
"Limited na 'yong resources," sabi naman ni Non.
ADVERTISEMENT
Dahil dito, nanawagan ang mga magsasaka sa gobyerno na tulungang ibangon ang kabuhayan nila.

Ayon naman sa Department of Agriculture, kumakausap sila ng mga puwedeng bumili ng mga produkto at ginagawan nila ng paraan para hindi na maulit ang pagkasira o pagtapon.

"We are strengthening our partnership with the local government unit kasi 'yong cropping calendar, we will know what is being planted, where, when and when it’s going to be harvested at gaano karaming volume. If we have those information, there is no reason para hindi mabenta ng farmer 'yong kanya pong produkto," sabi ni Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista.

-- Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
kalabasa
magsasaka
rehiyon
regions
regional news
Zaragoza
Nueva Ecija
The Kalabasa Project
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT