Higit 24 milyong Pinoy biktima ng hanging may halong usok ng yosi: DOH | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 24 milyong Pinoy biktima ng hanging may halong usok ng yosi: DOH

Higit 24 milyong Pinoy biktima ng hanging may halong usok ng yosi: DOH

ABS-CBN News

Clipboard

Nababahala ang Department of Health (DOH) sa dumadaming bilang ng Pinoy na nagyoyosi at nagsisimula sa bisyo habang estudyante pa.

Ayon sa DOH, 12 sa bawat 100 teenager na edad 13-15 ay naninigarilyo na.

Samantala, 16 milyong Pilipinong edad 15 pataas naman ang naninigarilyo.

Mahigit 24 milyong tao sa bansa rin ang nakakalanghap ng hanging may halong usok ng sigarilyo.

Pero kung akala ng marami na sakit lang sa baga ang maaaring makuha ng mga naninigarilyo, may babala ang DOH.

"Hindi lang baga ang apektado kundi ang puso, ang balat at buong katawan. Sa Pilipinas nasa mahigit 100,000 ang namamatay every year dahil sa paninigarilyo," babala ni DOH-NCR regional director Dr. Corazon Flores.

ADVERTISEMENT

Bukod sa nakakaadik na nicotine, ang isang stick ng sigarilyo ay may taglay na 12 kemikal na lubhang masama para sa kalusugan.

Kabilang dito ang carbon monoxide na makikita rin sa buga ng tambutso, butane o lighter fluid, at arsenic na isang uri ng lason.

Ang nakakalungkot, hindi lang daw ang mga humihithit ng yosi ang apektado.

Mahigit 24 milyong tao sa bansa ang nakakalanghap ng hanging may halong usok ng yosi.

"Delikado rin talaga yung second hand smoke dahil nakakadulot din ng sakit. Meron na rin tayong tinatawag na third hand smoke. 'Yung amoy na naiiwan sa damit o mga kurtina," ani Flores.

Payo ng World Health Organization (WHO), imbes na sunugin ang baga kakayosi, mag-exercise at sumali sa sports lalo na kung bata pa.

Puwedeng makipag-uganayan sa DOH "quitline" para sumailalim sa counselling at magabayan sa epektibong paraan sa pagtigil sa bisyo.

—Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.