Dating naglilinis ng bahay sa Paris, nagbukas ng tindahan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Dating naglilinis ng bahay sa Paris, nagbukas ng tindahan

Dating naglilinis ng bahay sa Paris, nagbukas ng tindahan

Bong Agustinez | TFC News France

 | 

Updated May 30, 2023 10:52 PM PHT

Clipboard

PARIS - Dream come true para sa Pinoy couple na sina Bongbong at Rowena Robles ang magkaroon ng sariling Pinoy store sa France. Katas ng kanilang pagsisikap sa loob ng higit dalawang dekada ang 'Rolling Dreams Philippines' store na nagbukas kamakailan.

Nagsimula ang mag-asawa sa paglilinis ng bahay sa Paris at pinasok din ang iba't ibang trabaho para kumita.

2

“Twenty-two years na po kami rito sa Paris. Dati po nagtatrabaho po ako sa restaurant, tapos nagtratrabaho rin po ako sa pabrika ng ice cream," kuwento ni Bongbong at Rowena, may-ari ng tindahan.

Noong kasagsagan ng pandemya, nawalan man sila ng trabaho, hindi sila natinag at hindi tumigil sa paghahanap ng paraan para may mapagkakitaan at makabangon. Sinubukan nilang mag-deliver ng essential food products sa mga Pilipino sa Paris.

ADVERTISEMENT

"So, nag-umpisa po akong mag-deliver ng bigas tapos, nadagdagan ng iba pang mga produkto, hanggang sa dumami ng dumami at ito na,” dagdag ng mag-asawa.

3

Nang makaipon ng sapat na kapital, nagbukas sila ng sariling tindahan.

“Kumuha po kami ng housing loan, kinakailangan po namin mag-continue ng income. Kailangan po naming magpasabay, tulad ng mag-deliver ng bigas mula sa palenke sa ating mga kababayan hanggang sila na po ang nagre-request kung anong produkto gustong bilihin sa amin at ipino-provide naman po namin,” dagdag ni Bongbong.

Masaya ang mga kapwa Pilipino sa Paris sa bagong bukas na tindahan at sa nakaka-inspire na kuwento ng mag-asawa.

34

“Ito po ang naging bunga ng dalawang taon nilang pagsisikap sa pagde-deliver, nag-start po ito noong pandemic at ngayon po'y ito na ang bunga ng kanilang pagsisikap,” sabi ni Jay Ann, Pinay sa Paris.

“Masaya kami dahil meron na namang bagong bukas na Philippine store lalo na dito sa Paris,” sabi ni Cynthia, taga-Paris.

5

Maraming malulungkot na kuwento sa kasagsagan ng pandemya. Pero sa kabila nito, ang mag-asawang Robles lumaban sa mga hamon ng buhay at patuloy na inaabot ang kanilang mga pangarap.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa France, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.