Suspek sa pagpatay sa mag-ina, napatay ng pulis matapos 'mag-agaw' ng baril | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Suspek sa pagpatay sa mag-ina, napatay ng pulis matapos 'mag-agaw' ng baril

Suspek sa pagpatay sa mag-ina, napatay ng pulis matapos 'mag-agaw' ng baril

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Napatay ng mga pulis ang isang lalaki na suspek sa pagpatay ng dalawang babae na mag-ina sa Antipolo nitong umaga ng Linggo.

Ayon sa Antipolo Police, ang lalaki umano ang pinaghihinalaang pumaslang sa mag-ina sa Brgy. San Jose, Antipolo City.

Pinasok umano ng lalaki kaninang umaga ng suspek ang bahay ng mag ina.

Tinangka nitong gahasain ang 51 anyos na babae, pero nanlaban ito kaya’t pinatay siya ng suspek. Pinatay rin umano ng lalaki ang 19-anyos na babaeng anak ng unang biktima, matapos umano nitong subukang tulungan ang ina.

ADVERTISEMENT

Nag-iwan ng mga bakas ng dugo ang suspek sa crime scene.

Maging ang mga dinaanan nito papatakas may mga bakas ng dugo rin kaya’t sa hot pursuit operation ng mga pulis, nasundan siya mula bahay ng mga biktima hanggang sa mga pinuntahan niya.

Hanggang sa maabutan siya sa mismong bahay nito.

"Ang naging resulta dugo mga bakas dugo maraming dugo sa traces pagtakas sa halamang patungo sa kanyang bahay. May bakas ng dugo. Nag-try nga siya linisin ang sarili," ayon kay Police Lt. Col. June Paolo Abrazado, Antipolo City Police Chief.

Sa bahay ng suspek natagpuan umano ng mga pulis ang mga drug paraphernalia at duguang mga damit nito.

Nang maaresto, umamin umano ang suspek sa krimen. Pero nang dadalhin na siya sa police station ay bigla umano itong nang agaw ng baril sa mga pulis kaya’t napatay ito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.