Plantasyon ng marijuana, natagpuan sa lupain ng gobyerno sa Cebu | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Plantasyon ng marijuana, natagpuan sa lupain ng gobyerno sa Cebu

Plantasyon ng marijuana, natagpuan sa lupain ng gobyerno sa Cebu

Edgar Escalante,

ABS-CBN News

Clipboard

Sinunog ng pulisya ang halos P500,000 na halaga ng tanim na marijuana sa Cebu City nitong Martes. Kuha ni Supt. Timmar Alam, hepe ng Cebu Mobile Force Company

CEBU CITY - Sinunog ng mga awtoridad ang halos P500,000 na halaga ng tanim na marijuana sa Sitio Hagimit, Barangay Adlaon, Cebu City nitong Martes.

Ayon kay Supt. Timmar Alam, hepe ng Cebu Mobile Force Company, nagpatrolya ang kaniyang mga tauhan kasama ang Intelligence Operative ng Naval Forces Central nang makita nila ang plantasyon.

Nasa lupain ito na pagmamay-ari ng gobyerno. Walang naabutang tao sa lugar ang mga pulis. Nakuha nila mula dito ang 1,080 na malalaking halaman ng marijuana.

Dahil mahihirapan na silang dalhin ito pababa ng bukid, napagdesisyunan ng pulisya na sunugin na lang ang mga tanim na marijuana.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.