Ilang barangay sa Davao City lumubog sa baha | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Ilang barangay sa Davao City lumubog sa baha

ABS-CBN News
Published May 29, 2018 10:59 AM PHT
DAVAO CITY - Binaha ang ilang lugar sa siyudad na ito, Martes ng umaga, matapos ang magdamag na buhos ng ulan na nagsimula bandang alas-2 ng madaling araw.

Kabilang sa mga binahang lugar ang Barangay Communal, Belisario Heights sa Barangay Lanang, at ang Barangay Celedona sa Panacan.

May mga lugar na lampas-baywang ang baha na pumasok na rin sa mga bahay. May mga napilitan na ring lumikas patungo sa evacuation centers habang nagpapahupa ng baha.

Sa Laverna Hills, isang sasakyan ang lumubog sa baha sa gitna ng kalsada. Nakaalis naman agad ang drayber ito at tumawag ng rescue team para matanggal sa baha ang kanyang kotse.

Nakunan pa ni Bayan Patroller Haven Leigh Alesna ang pagrekober sa sasakyan. -- ulat mula kay Chrislen Bulosan, ABS-CBN News