Larawan mula sa BFAR XI
Nagsagawa ng "Scubasurero" activity ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region XI sa ilalim ng dagat sa Island Garden City of Samal (IGACOS) sa Davao del Norte bilang bahagi ng selebrasyon ng Farmers and Fisherfolk Month at Ocean Month.
Sa aktibidad na nangyari noong Miyerkoles at Huwebes, nagtulong-tulong ang mga Bantay Dagat, lokal na pamahalaan ng IGACOS, city agriculture office, at BFAR sa paglilinis ng dagat sa pamamagitan ng scuba diving.
Umabot sa 54 kilo ng basura ang nakuha mula sa ilalim ng dagat at 75 na piraso ng crown of thorns starfish o dap-ag, na nakakasira umano sa coral reefs.
Larawan mula sa BFAR XI
Sa obserbasyon ng BFAR XI, kabilang sa mga nakolektang basura ang mga face mask at face shield.
Layon ng iba't ibang ahensya ng gobyerno na mabigyan ng pansin ang kasalukuyang suliranin sa kapaligiran at maudyok ang mga tao na huwag magtapon ng mga basura sa dagat.
Ibinigay nila ang mga nakolektang basura sa LGU para sa wastong pag-dispose ng mga ito.
—ulat ni Hernel Tocmo
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
crown of thorns starfish, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, BFAR, regions, regional news, Tagalog news