PatrolPH

21 anyos huli sa pagpuslit ng droga sa sabaw sa piitan sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at May 28 2021 05:58 PM | Updated as of May 28 2021 06:09 PM

21 anyos huli sa pagpuslit ng droga sa sabaw sa piitan sa Davao City 1
Nakita sa loob ng "law-oy" ang hinihinalang droga na ipinuslit ng isang babae para sa kaniyang nakakatandang kapatid. Handout

Arestado ang isang 21 anyos na babae matapos makitaan ng 10 sachet ng hinihinalang shabu na ipinuslit sa sinabawang ulam sa Davao City noong Biyernes. 

Papasok sana ng Davao City Jail ang suspek alas 11:30 ng umaga bitbit ang sinabawang gulay na kung tawagin ay law-oy para ihatid sa isang inmate, na kanyang nakakatandang kapatid. 

Pero nang inspeksyunin ito ng naka-duty na jail guard nakita ang mga kontrabando sa loob ng luya. 

Nasa 4 grams ang timbang ng illegal na druga na nagkakahalaga ng P60,000. 

Ang nakakatandang kapatid ng suspek ay nahuli rin ng mga otoridad dahil din sa illegal na druga noong 2019.

-- Ulat ni Cheche Diabordo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.