Mga mananahi ng school uniform umaaray sa epekto ng COVID-19 pandemic | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga mananahi ng school uniform umaaray sa epekto ng COVID-19 pandemic

Mga mananahi ng school uniform umaaray sa epekto ng COVID-19 pandemic

ABS-CBN News

 | 

Updated May 28, 2020 06:17 PM PHT

Clipboard

Ngayong suspendido pa rin ang face-to-face classes sa harap ng banta ng coronavirus disease, nangangamba ang mga pagawaan ng school uniform sa magiging epekto nito sa kanilang kabuhayan.

Nakasako lang muna at nakatambak ang libo-libong uniform na ginawa nina Emma Uy sa kaniyang pagawaan sa Quezon City.

Ayon kay Uy, inaabot nang 1 taon ang paggawa nila sa uniform. Aabutin din umano ng milyong piso ang nawalang kita rito.

"Malaking effect nu'n kasi ang aming production, 1 year namin ginawa, naka-ready na 'yung aming uniform so nangapital na kami kung di madi-dispose ibig sabihin wala na kami kabuhayan totally," ani Uy.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, pinapahinga na rin muna ni Uy ang kaniyang staff lalo't hindi pa alam kung paano mababawi ang puhunan.

Problemado rin ang mananahi na si Gemma Candalasa, mananahi sa Kamuning, Quezon City.

Ngayon, ibinaling na lang muna nila ang kanilang atensiyon sa paggawa ng personal protective equipment.

Siya rin daw mismo, nangangambang pumasok ang anak sa susunod na taon.

Matumal din ang bentahan sa tindahan ni Ghie Fototana. Gayunman, naiintindihan naman niya ang saloobin ng mga magulang.

Isinusulong ang blended learning methods, na kaakibat ang virtual at online classes, sa pagsisimula ng susunod na school year sa Agosto 24.

Suspendido muna ang face-to-face class arrangements para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Bago matapos ang nakaraang school year, sumasailalim na sa online classes ang ilang unibersidad. -- Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.