Kahon-kahong alak nakumpiska sa mga checkpoint sa 3 bayan sa Iloilo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kahon-kahong alak nakumpiska sa mga checkpoint sa 3 bayan sa Iloilo

Nony Basco,
ABS-CBN News
Published May 28, 2020 08:02 PM PHT

ILOILO CITY - Kahon-kahong alak ang nakumpiska ng pulisya sa magkakahiwalay na checkpoint sa tatlong bayan sa lalawigan ng Iloilo nitong Miyerkoles.

Matapos ang tip na ipinadala bilang text message, naharang ng mga miyembro ng Tubungan Municipal Police Station ang isang traysikel sa Barangay Teniente Benito, Tubungan, Iloilo.

Lulan ng traysikel ang 20 bote ng alak na nakatago sa mga plastic container.

Arestado ang drayber ng traysikel na si Roger Mirasol at kasama nito na si Roniel Alisin na pawang residente ng Calumpang, Molo.

Sa bayan ng Sta. Barbara, nagkahabulan ang mga pulis at isang pick-up matapos itong umiwas sa quarantine control checkpoint sa Barangay Lupa-Cabugao Norte.

Karga ng pick-up ang 20 kahon ng whisky. Huli ang dalawang sakay ng pick-up na sina Willsan Broniola at Michael Marpa.

Galing ng Pavia, Iloilo ang mga suspek nang mahuli ng mga pulis.

Na-intercept din sa quarantine control checkpoint sa Barangay Natividad, Barotac Viejo, Iloilo ang isa pang pick-up na may laman ding mga alak.

Tiklo ang mga sakay nito na sina Erwin Crabajosa at Dante Carugda na mga residente ng Banate, Iloilo.

Isinailalim na sa inquest proceeding ang anim na sangkot sa pagpuslit ng mga kargamento para sa pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Bayanihan Law at Executive Order na nagpapatupad ng liquor ban sa lalawigan ng Iloilo.

“Iloilo province is still implementing liquor ban and everybody na nagdadala nito or nagta-transport from one municipality to the other, regardless of the volume ay mahigpit na ipinagbabawal”, pahayag ni PRO6 acting spokesperson Police Lt.Col. Gilbert Gorero.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang nagpasimuno sa pagpupuslit ng mga alak kahit may ipinapatupad na liquor ban.

Muling pinaalalahanan ng pulisya ang publiko na bawal pa rin ang pagbili, pagbenta, at pagdala ng mga alcoholic drinks dahil sa umiiral na general community quarantine sa lalawigan.

Read More:
Iloilo
general community quarantine
Iloilo liquor ban
Philippine National Police
PNP checkpoint liquor ban
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT