'Ginigipit kami': Di pagpasada ng public jeeps, buses kahit mag-GCQ sa NCR inalmahan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Ginigipit kami': Di pagpasada ng public jeeps, buses kahit mag-GCQ sa NCR inalmahan

ABS-CBN News
Published May 28, 2020 01:50 PM PHT

MAYNILA - Umaalma ang ilang grupo sa planong pagbawalan pa rin ang mga pampublikong bus at jeep sa National Capital Region (NCR) sakaling isailalim na ito sa general community quarantine.

Unang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na papayagan na nilang pumasada ang mga taxi, transport network vehicle service, point-to-point buses, at tricycle kapag nasa GCQ na ang Metro Manila dahil nalilimitahan at madaling ma-trace ang mga pasahero nito.

Pero para kay Zeny Maranan, presidente ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), hindi umano patas na hindi kasama ang mga tradisyunal na jeep sa mga puwede nang pumasada sa ilalim ng GCQ.

Pinapakuha pa umano sila ng prangkisa bago makabiyahe.

ADVERTISEMENT
"Ginigipit nila kami na dahil na gusto na nila kami talagang tanggalin... Dinadahilan lang nila itong COVID-19 na ito eh," ani Maranan.

Iginiit ng FEJODAP na may mga inilatag na silang plano para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 oras na magbalik-pasada na ang jeeps.

Para pa kay Maranan, tila ginawang dahilan ang pandemic para tuluyan nang ma-phase out ang mga lumang jeep.

Pinabulaanan naman ni Department of Transportation consultant Alberto Suansing.

Ayon kay Suansing, paunti-unti ang ginagawang pagsisimula ng public transport kaya hindi puwedeng lahat ay sabay-sabay na magbalik-kalsada.

"Ang mangyayari sa mga jeepneys, filler sila, filler sila. Let's say for example, ang una nga natin is train tapos bus, high capacity vehicles 'yan then ang susunod na doon ay modernized jeepneys. Then pagka hindi pa rin sapat 'yun, doon papasok ang mga traditional jeepney," paliwanag ni Suansing.

PROVINCIAL BUSES
Samantala, iginiit ng grupo ng provincial buses na hindi basta-bastang maipapatupad ng gobyerno ang planong pagbabawal na makapasada ang provincial buses.

Ayon kay Alex Yague, direktor ng Provincial Bus Operators of the Philippines, epektibo pa rin ang hawak nilang writ of preliminary injunction laban sa tangka ng MMDA at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ihinto ang pagpasok sa EDSA ng mga provincial bus.

"Kailangan nilang sundin ang injunction. Hindi nila puwede basta-basta putulin ang linya ng mga provincial bus," ani Yague.

Giit ni Yague, dapat munang sagutin ng gobyerno ang preliminary injunction kung plano nitong ituloy ang plano para sa new normal.

Dapat din aniyang makipagkonsulta sa transport groups ang gobyerno.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
coronavirus
COVID-19
coronavirus Philippines update
COVID
coronavirus disease Philippines
COVID-19 Philippines update
coronavirus transport
transportation coronavirus
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT