40 bloke ng cocaine natagpuan sa dagat sa Sorsogon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
40 bloke ng cocaine natagpuan sa dagat sa Sorsogon

ABS-CBN News
Published May 28, 2019 10:08 AM PHT

GUBAT, Sorsogon - Nasa 40 bloke ng hinihinalang cocaine ang natagpuan ng 3 mangingisda na lumulutang sa karagatan ng Barangay Bagacay sa bayan na ito bandang alas-2 ng hapon noong Lunes.

Nangingisda sina Melvin Gregorio, Loubert Ergina at John Mark Nabong nang matagpuan ang mga umano’y droga sa dagat. Agad nila itong iniulat sa pulisya.

Aabot sa P218.4 milyon ang halaga ng mga umano’y droga at may kabuuang timbang na 39 kilo.

Patuloy pang inaalam ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police kung saan galing ang mga umano'y droga.

Pero ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng galing Latin America ang mga cocaine, na ipapadala sa Australia.

Posibleng kusang inihulog sa dagat para sa iligal na transaksiyon at posibleng itinapon para hindi mahuli ng otoridad, ayon sa mga pulis.

Nai-turn over ng PNP ang mga cocaine sa PDEA.

-- Ulat ni Karren Canon, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT