2 patay sa sunog sa Maynila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 patay sa sunog sa Maynila
2 patay sa sunog sa Maynila
ABS-CBN News
Published May 28, 2019 04:03 AM PHT

MAYNILA - Patay ang 2 lalaki sa sunog sa isang apartment sa Alonzo St., Santa Cruz, Maynila Lunes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy sa likod ng apartment pasado alas-9 ng gabi at umabot sa ikalawang alarma.

Dalawang nangungupahan sa naturang apartment ang nasawi sa insidente.

Nadaganan ng debris sa unang palapag ang isang lalaki habang sa isang kuwarto naman natagpuang walang buhay ang isa pa.

ADVERTISEMENT
Kuwento ng ilang residente, nakalabas na sa nasusunog na apartment ang isang biktima pero bumalik umano ito para kunin ang kaniyang passport at mga dokumento.

Lilipad sana ngayong araw patungong Saudi Arabia ang biktima para magtrabaho.

Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi ng sunog. Tinatayang nasa P100,000 ang halaga ng natupok na ari-arian. - Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News