Taxi, pera ng drayber tinangay ng 2 holdaper sa Mandaluyong | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Taxi, pera ng drayber tinangay ng 2 holdaper sa Mandaluyong

Taxi, pera ng drayber tinangay ng 2 holdaper sa Mandaluyong

Ernie Manio,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Tinangay ng dalawang nagpanggap na pasahero ang isang taxi sa Mandaluyong City, Linggo ng gabi.

Kuwento ng drayber na si Ronilo Abiles, pumara ang isang lalaki sa Quezon Avenue at sumakay sa likuran ng taxi.

Nagpadaan pa aniya ito sa isang mall para sunduin ang isa nitong kasama na sumakay naman sa unahang upuan.

Pagdating sa A. Mabini corner Wack-Wack, nagdeklara na ng holdap ang dalawa at tinutukan na siya ng kutsilyo.

ADVERTISEMENT

Nagmakaawa si Abiles na huwag siyang saktan kaya pinababa na lamang umano siya.

Tangay ng dalawa ang taxi pati ang pera na kanyang kinita sa pagpasada.

Agad naman siyang nagsumbong sa pulis sa takot na magamit din ang taxi na kanyang minamaneho sa panghoholdap.

Natagpuan ang taxi sa Barangay Marilag, Project 4 sa Quezon City. Pero wala na ang pera niya dito.

Nang rebyuhin ang CCTV sa lugar, makikita ang pagdaan at pagparada ng taxi habang may isang lalaking bumaba.

Hinahanap na ng pulisya ang salarin.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.