MRT nalimitahan ang operasyon matapos masira ang pinto ng isang tren | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MRT nalimitahan ang operasyon matapos masira ang pinto ng isang tren

MRT nalimitahan ang operasyon matapos masira ang pinto ng isang tren

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nagpatupad ng "provisional service" ang MRT, Lunes ng umaga, matapos masira ang pintuan ng isa nitong northbound na tren sa pagitan ng Ayala at Magallanes station.

Mula alas-7:25 hanggang 7:39 ng umaga, naging limitado ang serbisyo at operasyon ng MRT mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard Station.

Wala pang naiuulat kung may mga pinababang pasahero.

Pero ayon sa MRT, natanggal na mula sa riles ang depektibong tren bandang alas-8:00 ng umaga. Sa ngayon, may kabuuang 14 tren ang tumatakbo sa riles.

ADVERTISEMENT

Nitong nakaraang Martes, nasira rin ang pinto ng isang tren ng MRT sa may Cubao station. May mga pinababang pasahero dahil sa insidenteng ito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.