Lalaking nagtangka umanong mang-rape, patay nang abutan ng mister ng biktima | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nagtangka umanong mang-rape, patay nang abutan ng mister ng biktima

ABS-CBN News
Published May 27, 2021 05:03 PM PHT
|
Updated May 27, 2021 06:48 PM PHT

SANTA FE, Romblon (UPDATE) — Patay nitong Martes ang isang 53 anyos na lalaki sa bayang ito matapos siyang barilin ng mister ng babaeng kaniya umanong tinangkang gahasain.

Sa ulat ng pulisya, nakasalubong ni alyas "Kardo" si alyas "Jia" na papunta sa Sitio Canduyong. Bigla na lang daw hinatak ni Kardo si Jia at dinala ito sa masukal na bahagi ng lugar at doon hinubaran at pinatungan.

Makalipas ang ilang minuto, biglang dumating si alyas "Tonyo," na siyang asawa ni Jia.

Agad binaril ni Tonyo si Kardo na tinamaan sa ulo at tiyan.
Agad binaril ni Tonyo si Kardo na tinamaan sa ulo at tiyan.
ADVERTISEMENT
Naisugod pa sa Santa Fe Rural Health Unit si Kardo pero idineklara ring dead-on-arrival.

Agad namang tumakas ang mag-asawa sa lugar, pero nahuli rin agad ng pulisya.

Ngayon ay nakakulong sa custodial facility ng Santa Fe, Romblon si Tonyo.

—Ulat ni Andrew Bernardo
KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT