Army reservist balik-kulungan dahil sa di lisensiyadong baril | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Army reservist balik-kulungan dahil sa di lisensiyadong baril

Army reservist balik-kulungan dahil sa di lisensiyadong baril

ABS-CBN News

Clipboard

Balik-kulungan ang isang Army reservist mula New Washington, Aklan matapos muling makuhanan ng hindi lisensiyadong baril ngayong umaga ng Huwebes.

Sa bisa ng warrant, nagsagawa ng search operation ang mga awtoridad sa bahay ng suspek sa Barangay Guinbaliwan, kung saan nakuha ang isang pistol, isang revolver at mga bala.

Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap umano ng ulat ang mga awtoridad na palaging may dalang baril ang suspek at minsa'y nagpapaputok sa kanilang lugar.

Dati nang nakulong ang suspek matapos ding mahuli sa pagmamay-ari ng mga hindi lisensiyadong baril pero kalauna'y nakalabas ito.

ADVERTISEMENT

Hawak ngayon ng New Washington police ang salarin, na sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

— Ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.