Nurse sa Las Piñas, nagpositibo sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at May 27 2020 10:49 PM

MAYNILA - Nagpositibo sa coronavirus ang isang 33-anyos na babaeng nurse sa Las Piñas nitong Miyerkoles.

Naiulat na ang nurse, na nakatira sa Barangay Manuyo Dos, ay kabilang sa 10 na mga bagong kumpirmang kaso COVID-19 sa lungsod.

Dahil sa 10 na bagong kaso, umakyat na sa 264 ang kabuuang bilang ng coronavirus case sa Las Piñas. 

Mga 121 na sa mga ito ang nakarekober matapos ito madagdagan ng 13 na pasyente.

Sa Pilipinas, 15,049 kaso ng COVID-19 na ang naitala, at 904 dito ang namatay at 3,506 na iba pa ang gumaling.--Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.