Suspek sa pagsako sa babae sa Muntinlupa timbog | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Suspek sa pagsako sa babae sa Muntinlupa timbog

Suspek sa pagsako sa babae sa Muntinlupa timbog

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 27, 2019 07:40 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) - Arestado ngayong Lunes ang suspek sa pagpatay at paglalagay sa sako noong Sabado sa 22 anyos na assistant supermarket supervisor sa Muntinlupa.

Natunton sa San Pablo, Laguna ang suspek na si Alexander Dimaunahan, 23.

Papunta ang mga pulis sa katabing bayan ng Liliw sa tulong ng ama ni Dimaunahan na nakipagtulungan sa kanila, pero nakasalubong nila ang suspek sa daan.

Pinaghinalaan na si Dimaunahan ang gumawa ng krimen matapos mapansin ng kaibigan ng biktima na may mga kalmot ito sa leeg at biglang nawala matapos matagpuan ang bangkay ni Sheva Adare Mae Prementil, 22.

Inamin ng suspek ang paglaslas at paglagay sa sako kay Prementil, na natagpuan nitong Sabado sa bodega ng bahay na tinitirhan ng suspek.

ADVERTISEMENT

Sinabi ni Dimaunahan sa mga pulis na nagdilim umano ang paningin nito dahil nakainom. Niligawan ng suspek ang dalaga pero nalamang may karelasyon na ang biktima.

Pinaliguan pa umano ng suspek ang biktima bago ilagay sa sako, ayon sa pulisya.

Inaalam naman sa medico legal kung hinalay pa ng suspek ang biktima, pero tinanggi niya ito.

Napag-alaman ng Muntinlupa police na naaresto na si Dimaunahan sa buy-bust operation sa Liliw noong 2016 at naaresto rin noong 2018 sa kasong frustrated homicide.

Kinasuhan ng murder ang suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.