Abandonadong kotse sa Quiapo, nagdulot ng pangamba sa mga residente | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Abandonadong kotse sa Quiapo, nagdulot ng pangamba sa mga residente

Zhander Cayabyab,
DZMM
Published May 27, 2017 03:13 PM PHT

Kotseng inabandona sa Bilibid Viejo St., Quiapo, Maynila, nabuksan na at ipinasuri sa K9 @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/dBr7ZWUDR6
— Zhander Cayabyab (@zhandercayabyab) May 27, 2017

Nagdulot ng pangamba sa mga residente ng Bilibid Viejo sa Quiapo, Maynila ang isang itim na sasakyan na may dalawang araw nang inabandona sa paradahan ng isang condominium building.

Itinawag ng gwardya ang naiwang sasakyan, isang Toyota Vios na may plakang VG 7323, sa barangay hall, na siya namang tumawag sa Manila Police District (MPD) Explosive and Ordnance Division.

Kinordon ng mga pulis ang Bilibid Viejo mula sa San Sebastian Church hanggang sa kanto ng Loyola.

Pinilit na buksan ng awtoridad ang sasakyang nakaparada sa Yunitrade Residences Building pero nag negatibo ito sa anumang uri ng pampasabog o maging ng droga.

Pero isa umanong tooter ang nakuha ng awtoridad mula sa loob ng isang bag na naglalaman din ng mga personal na gamit at damit na nakita sa sasakyan.

Inabandonang kotse sa Quiapo, Maynila, negatibo sa bomba at droga; drug paraphernalia, nakuha sa loob @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/ROewsm8WfU
— Zhander Cayabyab (@zhandercayabyab) May 27, 2017
Inabandonang kotse sa Quiapo, Maynila, negatibo sa bomba at droga; drug paraphernalia, nakuha sa loob @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/ROewsm8WfU
— Zhander Cayabyab (@zhandercayabyab) May 27, 2017
May nakuha din na isang ID pero hindi muna ibinigay ng awtoridad ang pagkakakinlalan ng may ari ng sasakyan.

May mga kinatawan na rin ng MPD anti-carnapping group para ipa-verify kung kanino talaga ang sasakyan.