Isang barangay hall sa Puerto Princesa, inireklamo na laging sarado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Isang barangay hall sa Puerto Princesa, inireklamo na laging sarado

Isang barangay hall sa Puerto Princesa, inireklamo na laging sarado

Hazel Salas,

ABS-CBN News

Clipboard

Inireklamo ng mga residente ng Barangay Maligay, Puerto Princesa, na laging sarado umano ang kanilang barangay hall.

PALAWAN-- Nagreklamo ang mga residente ng isang barangay sa Puerto Princesa dahil laging sarado ang kanilang barangay hall.

Ayon naman sa kapitan ng barangay na si Robert Palanca, hindi na umano pagmamay-ari ng Barangay Maligaya ang hall kaya tuwing session at ilang okasyon na lamang nila ginagamit ang lugar.

“Ito pong barangay site po namin [ay] hindi na po amin ito. Wala pa naman po silang (lot owner) plano. So nakiusap po ako na pansamantala ho muna naming gamitin itong area,” ani Palanca.

Dagdag niya, alam naman umano ng mga residente na kung walang tao sa barangay hall ay pinupuntahan na lamang nila ang mga barangay opisyal sa kailang mga tahanan.

ADVERTISEMENT

“Alam naman po ng residente namin ang nagiging proseso po diyan sa loob. So minsan ho, 'pag talagang sarado ang opisina o 'yung barangay hall, eh tumatakbo na lang po sa akin 'yan,” aniya.

Paliwanag naman ni Kagawad Thelma Serrano, araw-araw naman umanong may kagawad na naka-assign para tumao sa barangay hall.

Dagdag pa nito, baka nakauwi na umano ang mga manggagawa sa barangay hall nang pumunta ang Bayan Patroller na nagreklamong lagi itong sarado.

Nanawagan naman ang mga residente na sana ay, hangga’t maaari, araw-araw bukas ang barangay hall.

Dagdag nila na huwag magpakakampante ang mga opisyal ng barangay na lahat ng residente ay agad na matutunton ang kanilang mga tahanan kung may kailangang tulong o makikipag-transaksiyon. Marami umano kasi ang nahihirapan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.