Libreng sakay sa MRT-3 palalawigin hanggang Hunyo 30 | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Libreng sakay sa MRT-3 palalawigin hanggang Hunyo 30

Libreng sakay sa MRT-3 palalawigin hanggang Hunyo 30

ABS-CBN News

Clipboard

Sitwasyon sa MRT-3 North Avenue Station sa unang araw ng pagpapatupad ng libreng sakay noong Marso 28. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
Sitwasyon sa MRT-3 North Avenue Station sa unang araw ng pagpapatupad ng libreng sakay noong Marso 28. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

MAYNILA - Palalawigin ng mga awtoridad ang libreng sakay sa MRT-3 hanggang Hunyo 30, inanunsiyo ng Department of Transportation nitong Miyerkoles.

Anila, layon ng hakbang na matulungan ang mga pasaherong umaaray pa rin sa mga taas-presyo ng mga bilihin at petrolyo.

“Malaking kapakinabangan 'yung libreng sakay para sa ating mga kababayan. 'Yung malaking natitipid nila sa pamasahe at 'yung comfort and convenience ng paggamit ng isinaayos na MRT-3, gusto natin magtuluy-tuloy 'yan," ani Transportation Secreary Arthur Tugade sa isang pahayag.

"Kaya naman, napagdesisyunan po natin na i-extend ang libreng sakay ng isa pang buwan para na rin mas marami pang pasahero ang makinabang at matulungan ng programa," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Nagsimula ang libreng sakay sa MRT-3 nitong Marso 28 bilang pagdiriwang ng pagtatapos ng rehabilitasyon ng nasabing linya ng tren.

Dapat ay hanggang noong Abril 30 lang ang programa pero nagpasya ang mga awtoridad na palawigin ito dahil sa papuri umano mula sa mga pasahero.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.