P30-M halaga ng smuggled na sigarilyo mula China nasabat sa Misamis Oriental | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P30-M halaga ng smuggled na sigarilyo mula China nasabat sa Misamis Oriental

ABS-CBN News
Published May 25, 2021 06:20 PM PHT

MAYNILA — Umaabot sa tinatayang P30 milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental.

P30 Milyon na halaga ng smuggled na sigarilyo mula sa China nasabat sa Mindanao Container Terminal sa Misamis Oriental.
Ayon sa BOC, idineklara ang shipment bilang "personal effects" at naka-consigned sa isang Lorna Oftana ng General Santos City.
📷: BOC pic.twitter.com/ziGEd7hcw4
— Johnson L. Manabat (@JohnsonManabat) May 25, 2021

Dumating ang shipment noong May 20 at idineklarang mga "personal effects."

Ayon sa Customs, nakatanggap sila ng tip mula sa National Intelligence Agencies patungkol sa naturang illegal shipment kaya naglabas ng alert order ang Customs Intelligence and Investigation Service laban dito.

Galing ang shipment sa China at nang isailalim sa partial examination ay nadiskubre ang mga smuggled na sigarilyo at mga footwear.

Naka-consign ang shipment sa isang babae na General Santos City ang inilagay na address, ayon sa BOC.

Agad na nag-isyu ang Customs ng warrant of seizure and detention laban sa naturang shipment.

Inihahanda na rin ang mga kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act laban sa mga nasa likod ng nasabing shipment.

—Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
Bureau of Customs
Customs
smuggled
smuggled cigarettes
BOC
Misamis Oriental
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT