Nagkalat na kabibe sa beach front ng Boracay, agaw-atensiyon sa social media | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

News

Nagkalat na kabibe sa beach front ng Boracay, agaw-atensiyon sa social media

Nagkalat na kabibe sa beach front ng Boracay, agaw-atensiyon sa social media

Cherry Palma,

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ni Toti Arcibal Saluna.

Agaw-atensiyon sa social media ang mga larawan ng mga kabibe na nakakalat sa beach front ng Boracay beach.

Makikita ang mga nakakalat na kabibe sa dalampasigan ng Boracay beach sa mga larawang kuha ng residenteng si Toti Arcibal Saluna nitong Linggo.

Magaganda at tila parang kakaiba ayon kay Saluna ang mga kabibe kaya maraming residente at netizens ang namangha.

Umabot sa mahigit 4,600 shares at 3,000 reactions sa social media ang mga larawan ng mga kabibe.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Haron Deo Vargas, isang marine biologist ng City Environment and Natural Resources Office ng Boracay, ito ang unang pagkakataong nakitang nakakalat ang naturang mga kabibe sa dalampasigan.

Aniya, maaaring may mga nanguha ng scallops at itinapon ang mga kabibe.

"Siguro may nag-gather sa area ng scallops then tinapon lang ang shells. Siguro may nag-hunt doon ng scallops sa ilalim mismo ng dagat, napabayaan ang shell then na-ano, nadala ng alon. Siguro isa din sa possibility is siguro ang mga shells, sabay-sabay na namatay sa ilalim during ng decomposition stage nila, 'yung soft part ng shell, kinain ng isda," paliwanag ni Vargas.

Maraming mga residente ang nangongolekta ng mga kabibe ayon kay Vargas.

"Magaganda po ang shells. Puwede po siyang gawing designs... Kung patay na bawal na kainin, baka makompromiso ang health ng kakain," dagdag ni Vargas.

Nakakatulong din umano ang pangongolekta ng mga kabibe para maiwasang masugatan ang mga lumalangoy o naglalakad sa beach.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.