Mandatory face mask sa France, inalis na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mandatory face mask sa France, inalis na

Mandatory face mask sa France, inalis na

Mye Mulingtapang | TFC News Italy

Clipboard

Hindi na kailangang magsuot ng face mask sa mga flight papunta sa mahigit na labinlimang bansa sa Europa. Pero may ilang mga bansa pa rin kung saan umiiral ang face mask rule.

PARIS, FRANCE

Sa France, mula nitong May 16 hindi na kailangang magsuot ng face mask sa mga pampublikong sasakyan tulad ng metro, bus at eroplano.

Paris metro

Ayon kay French Health Minister Olivier Veran ito’y dahil sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases. Hati naman ang opinyon ng mga Pilipino sa pagluluwag sa COVID restriction.

“Salamat at back to normal na ang buhay namin ngayon dahil hindi na kami magsusuot ng mask pero kailangan pa ring mag- ingat,” sabi ni Malou Caguiwa, Pinay sa Paris.

ADVERTISEMENT

Paris streets

“Hindi pa rin po ako pabor kaya may (face) mask pa rin. Hindi lang yung Omicron baka may ibang virus pa naman. Siguro after 2 to 3 months pwede na,” sabi ni Joey Andan, Pinoy sa Paris.

Ayon sa European Air Safety Authority hindi na mandatory ang face mask sa mga paliparan at loob ng eroplano na sakop ng European Union.

Europe Air Safety

Pero kailangan pa ring magsuot ng face mask sa mga ospital at nursing homes at magpakita ng vaccination pass. Para naman sa mga nagpositibo sa COVID-19 kailangang mag- isolate ng pitong araw.

MILAN, ITALY

Mananatili naman ang face mask rule sa pagsakay ng eroplano sa mga bansang Italy, Germany, Greece, Spain, Portugal, Austria, Cyprus, Estonia, Lithuania, Malta, Luxembourg at The Netherlands.

COVID face mask

Bukod sa eroplano, kailangan ding magsuot ng mask sa mga bus at tren sa Italya hanggang June 15. Pero hindi pa rin makampante ang iba dahil hindi pa tapos ang pandemya.

“Kailangan pa rin maging cautious ang mga tao dahil nasa pandemya pa rin naman tayo there's still people na nagpa-positive despite them being fully vaccinated,” sabi ni Milani Tandoc, Pinoy sa Italy.

Normal situation

Masaya na hindi na kailangan mag-mask sa pagsali sa mga marathon.

“As a runner nagagawa na natin sumali ng mga marathons na hindi na pinepresenta yung mga green pass o hindi obligado ang mga sasali ng marathon ng pagsusuot ng mask”, sabi ni Philip Monsanto, Pinoy marathoner sa Milan.

Pero hindi siya sang-ayon sa pag-aalis ng mask rule sa public transport.

Ayon sa European Center for Disease Prevention and Control, ang mga guideline ay naayon sa mga bagong development sa pandemya partikular sa vaccination rate at naturally acquired immunity kasabay ng pagtanggal ng restrictions sa mga karatig bansa sa Europa.

Europa nagluwag na

Matapos ang mahigit dalawang taon ng pandemya halos balik normal na ang pamumuhay sa Europa pero ang mga eksperto na mag-ingat pa rin dahil hindi pa tuluyang napupuksa ang COVID-19 kaya naman ibayong pag-iingat pa rin ang kailangan ng bawat isa.

(Kasama ang ulat ni Cory de Jesus sa Paris, France)

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.