Mental hospital sa CamSur, naka-lockdown; 15 pasyente, 1 staff positibo sa COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Mental hospital sa CamSur, naka-lockdown; 15 pasyente, 1 staff positibo sa COVID-19

Mental hospital sa CamSur, naka-lockdown; 15 pasyente, 1 staff positibo sa COVID-19

ABS-CBN News

 | 

Updated May 24, 2021 08:41 PM PHT

Clipboard

Isinailalim sa total lockdown ang isang mental health facility sa bayan ng Pili, Camarines Sur matapos magpositibo ang 15 pasyente at 1 health worker sa COVID-19.

Naka-isolate sa loob ng Don Susano J. Rodriguez Memorial Mental Hospital ang mga pasyente mula sa male ward, habang naka-home quarantine ang healthcare worker, ayon kay Dr. Joey Rañola, infectious disease specialist ng Bicol Medical Center.

May 3 pang health workers ang naghihintay ng swab test results.

Nadisukbre umano ang hawaan sa loob ng mental hospital nang lagnatin ang isang lalaking pasyente noong isang araw na agad inihiwalay sa mga kasama sa male ward at isinailaim sa RT-PCR test.

ADVERTISEMENT

Nasa 200 lamang ang bed capacity ng mental hospital at wala nang nakabibisitang kamag-anak sa nasa 250 na mga pasyente rito simula umpisa ng pandemya noong nakaraang taon.

Naniniwala si Rañola na sa out-patient service nag-umpisang kumalat ang virus, matapos ang mahigit isang taong pag-iingat ng mental hospital na hindi mapasok ng sakit.

Ang 16 na COVID-19 patients ay mula 20 hanggang 50 taon gulang, at lahat ay nakararanas ng mild symptoms, dagdag niya.

Paglilinaw ni Rañola, hindi magpapalala sa kanilang kondisyon ang pinagdadaanang sakit sa isip.

Sa kabila ng total lockdown, tuloy ang online consultation ng out-patient service sa hotline ng ospital na 0961-0376820.

Inirekomenda rin nila na sa city o municipal health offices muna sumangguni.

--Ulat ni Jonathan Magistrado

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.