Manny Pacquiao at Pia Cayetano, nagkasagutan sa Senado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Manny Pacquiao at Pia Cayetano, nagkasagutan sa Senado

Manny Pacquiao at Pia Cayetano, nagkasagutan sa Senado

Robert Mano,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagkasagutan sina Senator Manny Pacquiao at Senator Pia Cayetano sa sesyon sa Senado Lunes.

Sabi ni Cayetano, hindi niya na nagustuhan ang pagsasabi ng kampo ni Senator Pacquiao na nag-walk out siya sa sesyon noong isang linggo kung saan nakatakda syang mag interpellate kay Pacquiao kaugnay ng panukalang pagbuo ng Philippine Boxing and Combat Sports Commission.

"There's insinuation that I walked out, that I left, and that's not fair to my constituents also who I commit to work hard for. Nandito po ako para magtrabaho sumusunod lang ako sa priorities kaya nga po nagpapaalam ng maayos kasi yung priority bill ko kailangan ko rin trabahuhin," aniya.

Dagdag pa ni Cayetano, nagpaalam siya kay Senate President Vicente Sotto III at Majority Leader Juan Miguel Zubiri na kailangang umalis sa sesyon dahil kailangan niyang tutukan ang isa sa priority bill na kaniyang isinusulong, ang POGO Bill.

ADVERTISEMENT

Ipinaalam din daw ng kaniyang staff sa staff ni Pacquiao na hindi na siya makakakapagtanong dahil kailngan na niyang umalis.

Idiniin din niya na hindi naman siya basta umaalis o naglalayas dahil inihalal sya para magtrabaho at hindi raw nya intensyon na makasakit at wala siyang nilabag na rules.

Pero tugon ni Pacquiao, nasaktan siya at pakiramdam niya ay hindi siya inirespeto dahil nilayasan siya samantalang naghihintay siya na maipagpatuloy ang kanilang talakayan sa plenaryo kaya sana aniya hindi na maulit.

"Kung inform lang ako madali naman ako kausap. Hindi naman ako mahirap kausap. Pero yung maghintay ka. 'Yung tinatawag natin na courtesy lang sana eh kung gagawin sa iyo 'yan. Tagal tagal ibinbin tapos pag turn mo na 'yun pala malaman mo diyan wala na 'yung mag-interpellate sayo, naghintay ka. Parang iba pakiramdam mo," aniya.

Tugon ni Cayetano, marunong naman siyang makiramdam at kung nakasakit, hindi iyon ang intensyon at kusa niyang tinapos ang diskurso para raw makatalakay na sila ng ibang usapin.

Nag-referee na lang sa sagutan si Majority Leader Migz Zubiri at nagbiro na kung sa boxing time out na muna.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.