Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Caraga region, umabot na sa 5 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Caraga region, umabot na sa 5

Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Caraga region, umabot na sa 5

Charmane Awitan,

ABS-CBN News

Clipboard

BUTUAN CITY - Kinumpirma ng Department of Health Caraga ang panglimang kaso ng COVID-19 sa rehiyon kasunod ng natanggap na resulta mula sa Southern Philippines Medical Center.

Ang panlimang kaso ay isang lalaki na 45 taong gulang mula sa Agusan del Norte na bumiyahe mula sa Maynila noong Pebrero 25 at dumating sa Caraga Pebrero 29. Asthmatic at hypertensive ang pasyente.

Kinonsidera siyang Person Under Monitoring pagdating nito sa kanilang lugar at isinailalim sa quarantine.

Asymptomatic ang pasyente.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Dr. Jose Llacuna Jr., regional director ng DOH sa Caraga, ang ikalimang kaso ang tanging nagpositibo sa isinagawa nilang rapid diagnostic test noong Mayo 19 kaya kinuhanan ito ng swab sample para sa confirmatory test.

Kasalukuyang naka-strict facility quarantine ang pasyente habang nagsasagawa na ng contact tracing ang local health authorities sa mga nakasalamuha ng pasyente.

Samantala, nagnegatibo na sa pangalawang follow-up test ang ikaapat na COVID-19 case sa Caraga. Asymptomatic pa rin ang pasyente at nasa maayos na kundisyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.