Konsehal umalma dahil ginawang testing venue ang bahagi ng Pasay city hall | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Konsehal umalma dahil ginawang testing venue ang bahagi ng Pasay city hall

ABS-CBN News
Published May 24, 2020 06:42 PM PHT

Nabatikos sa social media ang isang konsehal ng Pasay City na nanggalaiti dahil ginawang COVID-19 testing venue ang session hall ng munisipyo ng lungsod.

Sa video ng insidente, maririnig na galit na galit ang konsehal na si Moti Arceo nang bumungad sa kaniya ang mga nakasuot ng personal protective equipment sa loob ng city hall.

Nagsisigaw noong hapon ng Martes, Mayo 19, si Arceo sa may session hall matapos malamang ginawang COVID-19 testing venue ang lugar.

Sa panayam ng ABS-CBN News, inamin ni Arceo na ikinainit ng ulo niya ang nangyari dahil wala umanong konsultasyon at paalam ang city health office na pumuwesto sa session hall para magsagawa ng rapid testing.

Ayon kay Arceo, wala siyang minurang health worker sa video.

"Nagmura ako pero wala akong minura. Expression ng galit siguro... kasi 'yong pangunahing ahensiya na dapat mag-lead ng laban sa COVID, mukhang sila pa 'yong burara pa, careless, reckless," aniya.

Kumalat rin sa social media ang isang memorandum kung saan nakasaad na nagpasya ang human resources office ng city hall noong Mayo 19 na isailalim sa rapid testing ang mga empleyado ng munisipyo.

Pero hindi pa kinukumpirma ni Pasay Mayor Imelda Calixto-Rubiano ang dokumento.

Sabi ni Arceo, gaya sa ilang mga local government unit at ospital, dapat nagtayo na lang ng tent sa labas ng city hall para sa testing o pakinabangan ang mga mobile testing center ng lungsod.

Ayon pa kay Arceo, handa siyang harapin kung ano man ang maging kahihinatnan ng kaniyang paninigaw sa video.

Sa ngayon, nilipat na ang testing venue sa Mall of Asia Arena.

Sinubukan ng ABS-CBN News na kuhanan ng pahayag si city health officer Cesar Encinares, na umano ay nanguna sa nasabing testing sa loob ng session hall, pero hindi ito sumasagot sa mga text o tawag.

Sa isang pahayag, sinabi ni Mayor Rubiano na ikinalulungkot niya ang nangyari.

Posible aniyang nagkaroon ng misunderstanding o hindi pagkakaunawaan sa panig ni Arceo at ng mga nagsagawa ng testing.

Nagpatawag na rin si Rubiano ng conference ngayong linggo para magharap ang mga tauhan ng health office at city council. -- Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Pasay
viral
social media
metro
metro news
COVID-19
COVID-19 testing
Pasay City Hall
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT