Mga taga-simbahan dinukot, mga sibilyan sugatan sa Marawi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga taga-simbahan dinukot, mga sibilyan sugatan sa Marawi

ABS-CBN News
Published May 24, 2017 06:40 PM PHT
|
Updated May 25, 2017 12:45 AM PHT

(UPDATE) Patuloy ang operasyon sa Marawi City Miyerkoles ng gabi laban sa Maute Group na nanggulo sa mga kulungan at nagpakawala sa higit 100 bilanggo, nagkuta sa isang ospital, at dumukot sa mga sibilyan, kabilang ang isang pari at babaing may sakit sa puso.

Limang sundalo at dalawang pulis na ang namamatay sa bakbakan, habang 31 naman ang mga sundalong sugatan.

Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government na pinasok ng mga miyembro ng Maute ang city at district jail sa Marawi, hinaras ang mga jail guards at itinali, pero wala namang pinatay. Kaya nga lang pinatakas ng Maute ang nasa mahigit 100 mga bilanggo.

Napalaya naman ng mga sundalo ang may 46 health workers na naipit sa Amai Pakpak hospital, na ginawang medical center ng Maute Group.

Pari, dinukot
Pinasok ng Maute Group ang isang compound ng simbahan sa Marawi City at tinangay ang pari at hindi bababa sa 10 sibilyan, ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Sa pagsubok ng mga pari at kaanak na kumustahin ang mga nabihag, hinihingi ng mga dumukot na huwag makalapit ang mga militar na tumutugis sa kanila.

Nitong Martes na-hostage ng grupong Maute ang pari na si Fr. Chito Suganob at mga parishioners ng St. Mary's Cathedral sa Marawi.

"Fr. Chito Suganob and others were in the Cathedral of St. Mary's when members of the Maute fighting group forced their way into the Cathedral, taking with them Fr. Chito and others as hostages," ayon kay CBCP president Archbishop Socrates Villegas sa isang statement.

Ang iba pang nakuha ay ang mga kasamang sibilyan at mga parokyano, kuwento ni Bishop Edwin dela Peña, ang Prelature of Marawi Diocese.

Nagdarasal ang mga ito at naghahanda para sa kapistahan ng Birheng Maria na ipagdiriwang sa Miyerkoles nang mangyari ang insidente.

Iba na ang sumagot sa phone ng asawa
Nakausap pa ni Jayme Mayormita ang asawa nitong si Wendelyn, ang tinangay na parish secretary, bago pa mangyari ang insidente. Nang subukan niya itong tawagan muli nang pumutok ang gulo, iba na ang sumagot.

"Panay ang text namin, panay ang tawag namin para ma-monitor ang isa't isa, malayo kasi kami. Nalaman ko na tinangay siya nang iba na ang sumasagot sa cellphone," kuwento ni Mayormita.

Humingi ng kondisyon ang nakausap nito sa kabilang linya.

"Hinihingi nila na sana hindi makalapit ang military," aniya.

Ganito rin ang negosasyon kina Bishop Dela Peña.

"They negotiated with me for me to make an appeal to the military not to pursue them, and to declare a ceasefire," sabi ni Dela Peña.

Matindi ang pag-aalala ni Mayormita para sa asawang dinukot, lalo na't walang dalang gamot para sa sakit sa puso ang asawa nang tangayin.

"Sana pakawalan na nila, makalaya ang mga inosenteng tao kagaya na lang ni Fr. Chito at 'yung asawa ko saka mga kasamahan nila -- mga inosente kasi ito," hinagpis ni Mayormita.

Nananawagan din si Archbishop Villegas na ipagdasal ang kaligtasan ng mga dinukot.

Hiniling din ng CBCP sa gobyerno na gawing prayoridad din ang kaligtasan ng mga dinukot, habang ginagawa ang pagtugis sa mga terorista.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga detalye ng nasabing pagdukot.

Mga guro, nasagip mula sa bakbakan
Isang grupo naman ng mga guro sa Marawi ang nasagip ng mga sundalo't pulis mula sa tropa ng Maute.

Nasa isang seminar ang 42 guro nang bigla na lamang may mga kasapi ng grupong Maute na nais pasukin ang gusali kung nasaan sila. Agad namang dumating ang mga sundalo at pulis upang sagipin sila.

Kuwento ng isang guro, habang tinatakasan na nila ang grupong Maute, sinubukan umano siyang hablutin upang ihiwalay sa grupo ng mga teacher. Nakapiglas umano siya, at agad na nakatakbo patungo sa grupo.

Kasalukuyan naman silang nasa kapitolyo kung saan sila sine-secure ng Provincial Task Force.

Ilang sundalo, sibilyan, nadaplisan sa sagupaan
Isinugod sa ospital sa Iligan City ang walong sundalong sugatan sa mga engkuwentro. Nadaplisan din sa sagupaan ang mga sibilyan.

Ganito ang nangyari kay 'Mira' at sa kanyang pamilya bago pa nila sinubukang lumuwas mula sa pinangyayarihan ng kaguluhan.

"'Yung bandang alas-12 o ala-una, may dumaan sa amin na hindi ko lang alam kung tangke ba 'yun, pero parang iba 'yung larga niya eh, parang tanke. Kasi nakahiga kami, nakadapa kami tapos biglang nagbarilan doon mismo sa labas ng bahay namin. Tumalsik 'yung bala sa loob ng bahay. Nadaplisan ako. Nadaplisan 'yung kapatid ko, 'yung biyenan ng kapatid ko, at saka 'yung anak ko," kuwento ni Mira.

Kasalukuyan silang nagpapagamot sa Iligan City.

Panawagan naman niya sa grupong Maute na huwag nang idamay ang mga sibilyan.

Walong sundalo naman ang ginagamot na sa isang pribadong ospital.

-- Ulat nina Chiara Zambrano at Joey Taguba, ABS-CBN News
Read More:
TV Patrol
TV Patrol top
Chiara Zambrano
PatrolPH
Tagalog News
Marawi
MarawiClash
Marawi Clash
kidnapping
Maute Group
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT