DFA nais ng bagong autopsy sa mga labi ng namatay na OFW sa Kuwait | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DFA nais ng bagong autopsy sa mga labi ng namatay na OFW sa Kuwait

DFA nais ng bagong autopsy sa mga labi ng namatay na OFW sa Kuwait

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Naiuwi na nitong Huwebes sa Pilipinas ang mga labi ng overseas Filipino worker (OFW) na nasawi sa Kuwait na si Constancia Dayag o Connie sa kaniyang malalapit na kakilala.

Hindi napigilan ng mga anak at ilang kaanak ang hinagpis nang makitang nasa loob na lang ng kahon na nakauwi mula sa Kuwait si Connie.

Pasado alas-4 ng hapon lumapag sa NAIA ang Kuwait Airways flight na lulan ang kaniyang mga labi.

Dinamayan ang pamilya nina Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin at iba pang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

ADVERTISEMENT

Noong Miyerkoles sana ang ika-47 kaarawan ni Connie.

Malakas ang paniwala ng kaniyang pamilya na minaltrato si Connie ng kaniyang amo, batay na rin sa kaniyang mga kuwento nung nabubuhay pa.

Kaya humihingi ng hustisya ang kaniyang tatlong anak at mga kamag-anak.

"Presidente Duterte, tulungan niyo ang aking manugang, kawawa ang kanilang kalagayan wala na silang ama lalo na ngayong wala na ang nanay nila, paano na ang buhay nila," ani Marvelita Dayag, biyenan ni Connie.

Samantala, inendorso ng DFA sa mga lokal na awtoridad ang kaso ni Connie.

"The DFA has endorsed the case to the National Bureau of Investigation which will undertake an independent autopsy and perform toxicology tests on the remains to determine the cause of death of Ms. Dayag... The Department will also request the permission of the family to bring the remains to the University of the Philippines-Philippine General Hospital forensic morgue for a similar examination of the human remains," anila sa isang pahayag.

Nasa higit P300,000 tulong pinansiyal na ang ipinangako para sa pamilya Dayag.

—Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.