6 na sundalo sugatan sa aksidente sa Basilan

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at May 23 2019 07:34 PM

Sugatan ang 6 na sundalo matapos maaksidente ang kanilang sasakyan sa Bohe Basilan Bridge sa bayan ng Tipo-Tipo sa Basilan Huwebes ng hapon.

Sa ngayon wala pang maibigay na kompletong detalye ang pulisya at ang Western Mindanao Command.

Aalamin pa umano nila ang dahilan ng aksidente at ang pagkakakilanlan ng mga sundalong nasugatan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.