3 patay, 17 sugatan nang mahulog ang bus sa tulay sa Leyte | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 patay, 17 sugatan nang mahulog ang bus sa tulay sa Leyte

ABS-CBN News
Published May 23, 2018 01:55 AM PHT
|
Updated May 23, 2018 03:18 AM PHT

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News
LEYTE - Patay ang 3 pasahero habang sugatan naman ang 17 iba pa matapos mahulog ang isang pampasaherong bus sa inaayos na tulay sa Tanauan, Leyte Miyerkoles ng madaling-araw.

Kinumpirma ng Tanauan police na 3 pasahero na dinala sa ospital ang namatay sa aksidente.

Ang 17 pasahero na nagtamo ng minor injuries ay kasalukuyang nagpapahinga sa Tanauan Civic Center.

Posible pang tataas ang bilang ng mga pasaherong sugatan matapos ang ilan ay dinala sa iba't ibang ospital.

ADVERTISEMENT
Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News
Base sa inisyal na imbestigasyon, galing Maynila ang Philtranco bus at patungong Davao City nang mangyari ang aksidente pasado alas-12 ng madaling-araw.

Kuwento ng drayber sa ABS-CBN News, may isang lalaki umanong umagaw sa kaniyang manibela kaya't nahulog ang bus sa Barangay Buntay.

Ayon din sa ilang pasahero, nakita rin nila na inagaw ng lalaki ang manibela. Ang iba naman nagsabi na pagiwang-giwang umano ang takbo ng bus.
Ayon din sa ilang pasahero, nakita rin nila na inagaw ng lalaki ang manibela. Ang iba naman nagsabi na pagiwang-giwang umano ang takbo ng bus.
Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News
Batay sa inisyal na impormasyon na nakuha ng pulisya, mayroon umanong 48 kataong sakay ang bus.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng aksidente. - ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News