Piskal patay sa pamamaril ng riding-in-tandem

Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Posted at May 22 2017 12:50 PM

MANILA - Patay ang isang beteranong piskal matapos tambangan at pagbabarilin ng 3 naka-motorsiklong suspek sa Barangay 63, Caloocan City, Lunes. 

Sa inisyal na imbestigasyon, inabangan ng mga gunman na lumabas si Prosecutor Diosdado Azarcon ng bahay sa kanto ng 9th Avenue at Galauran Street. 

Agad na namatay si Azarcon dahil sa mga tama ng bala sa ulo at balikat samantalang tumakas ang mga suspek patungo sa 10th Avenue. 

Tinitingnan ng mga imbestigador ang posibilidad na may kinalaman ang pamamaslang sa mga kasong hinahawakan ng biktima, ayon kay SPO1 Michael Anthony Ramirez. 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.