Pulis, drayber na sibilyan, arestado sa pagpupuslit ng alak sa Iloilo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis, drayber na sibilyan, arestado sa pagpupuslit ng alak sa Iloilo

Nony Basco,
ABS-CBN News
Published May 21, 2020 07:11 PM PHT
|
Updated May 21, 2020 07:24 PM PHT

GUIMBAL, Iloilo - Arestado ang isang pulis at drayber nitong sibilyan matapos masabat sa quarantine control checkpoint sa Barangay Nanga, Guimbal, Iloilo ang kanilang sinasakyang van na may lamang mga alak Miyerkoles.

Ayon sa Guimbal Municipal Police Station, hinarang ng mga pulis ang van at nang hiningan ng quarantine pass ang driver na si Leo Faldas pero wala umano itong naipakita.

Pinakiusapan ng mga pulis na buksan ang likod ng van pero kaagad na hinarang ni Police SSgt. Jose Digcabo-on Jr. at sinubukang "arborin" ang kargamento.

Sakay si Digcabo-on sa isa pang sasakyang nakasunod sa van na may lamang alak.

ADVERTISEMENT
Dahil dito kaagad na inaresto ng mga pulis ang kanilang kabaro at ang driver nito na sibilyan.

Nasa 60 karton ng whisky ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa loob ng van.

Kaagad na ipinag-utos ng Police Regional Office 6 na sampahan ng kasong kriminal at administratibo si Digcabo-on.

"The directive of our Regional Director is to file a case through inquest proceedings, is as much as possible, to include the civilian company," pahayag ni PRO6 acting spokesperson Police Lt.Col. Gilbert Gorero sa isang panayam sa Kampo Delgado.

Pang-apat na miyembro na ng Philippine National Police sa Western Visayas si Digcabo-on na naaresto dahil sa paglabag sa liquor ban.

Nakadestino ang naturang pulis sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit sa Police Regional Office 6.

Nahuli si Digcabo-on at kasamang sibilyan ilang oras lang matapos magpalabas ng ultimatum si PRO6 Regional Director Police BGen. Rene Pamuspusan tungkol sa mga pasaway na pulis.

"After na makapag-post siya ng bail, there will be a direct order coming from us for him to report immediately. Failure on his part to report of course he will be AWOL. So he has the choice, either to be on AWOL or to report. But pag-report niya he has to expect a very different life," ani Gorero.

Mariing kinondena ng PNP Region 6 ang ginawang kalokohan ni Digcabo-on.

Maliban sa kasong kriminal at administratibo, may ipapataw pang parusa ang pulisya sa mga pasaway na pulis kagaya ni Digcabo-on.

Tulad ng mga pulis na naunang nakasuhan sa paglabag sa liquor ban, patatakbuhin paikot sa buong kampo si Digcabo-on.

Maliban sa araw-araw na pagtakbo, may naghihintay pang hard labor para sa kaniya.

Iginigiit ng PRO6 na walang puwang sa organisasyon ang mga pulis kagaya ni Digcabo-on.