Sulit na paghihirap: Pamilya ng Top 1 sa PMA, lubos ang saya | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sulit na paghihirap: Pamilya ng Top 1 sa PMA, lubos ang saya

Sulit na paghihirap: Pamilya ng Top 1 sa PMA, lubos ang saya

Justin Aguilar,

ABS-CBN News

Clipboard

Laking tuwa ng retired teacher na si Dionisia Umalla sa naabot ng kaniyang bunso at kaisa-isang babaeng anak sa Philippine Military Academy. Larawan mula kay Leo Mercado

ALILEM, Ilocos Sur – Lubos ang saya na nararamdaman ngayon ng pamilya Umalla dahil bukod sa makaka-graduate ang kanilang bunso sa Philippine Military Academy, may dala pa itong dagdag na karangalan bilang Top 1 ng kanilang batch.

“Parang lahat ng pingadaanan namin napalitan na, napalitan na kasi Top 1 siya ngayon. Sabi ko, salamat sa Diyos na hindi ako pinabayaan," ayon sa kaniyang ina na si Dionisia.

Mag-isang itinaguyod ng kaniyang ina ang pag-aaral nilang apat na magkakapatid matapos na iwan sila ng kanilang ama na retiradong sundalo taong 2003.

Ang 22-anyos na kadete na si Dionne Mae ay bunso at nag-iisang anak na babae ng retired teacher na si Dionisia. Ayon sa ina, malambing, mabait, at matulungin si Dionne.

ADVERTISEMENT

"Isa po siyang homebody at pala-aral. Siya yung pinakamagaling sa aming apat," sabi ni Rueben, isa sa mga kuya ni Dionne na nagtatrabaho ngayon bilang isang nurse.

Ang panganay na kapatid nila ay graduate naman ng Philippine National Police Academy at ngayon ay nakatalaga na sa Police Regional Office 1, habang ang isa pang kapatid ay isang chemical engineer.

Sa loob ng inuupahang bahay ng pamilya, kitang-kita kung gaano siya ipinagmamalaki ng kaniyang ina. Nakasabit sa pader ng kanilang bahay ang lahat ng kaniyang mga larawan mula pa noong siya'y plebo sa Philippine Military Academy.

Hindi man inaasahan, hindi rin na daw nakapagtatakang manguna sa PMA Mabalasik Class of 2019 si Dionne dahil mula kinder hanggang grade school ay first honor siya at valedictorian naman noong high school.

"Sabi ko nga sa kaniya malaking sakripisyo na yung pagpasok niya sa PMA. Ang gusto lang namin, makapasok siya doon, makatapos siya sa pag-aaral. Hindi namin ine-expect na magta-top siya," dagdag ni Rueben.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.