Magkahiwalay na pagnanakaw ng bisikleta, sapul sa CCTV | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Magkahiwalay na pagnanakaw ng bisikleta, sapul sa CCTV

Magkahiwalay na pagnanakaw ng bisikleta, sapul sa CCTV

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dalawang magkakahiwalay na insidente ng pagnanakaw ng bisikleta ang naitala ng mga awtoridad sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Kitang-kita sa CCTV kung paano tinangay ng mga kawatan ang ilang mga bisikleta sa lugar.

Sa loob lamang ng ilang minuto ay naputol ng mga suspek ang kandado ng bisikleta na nakaparada sa labas ng isang bahay sa Barangay 155.

Ayon sa may-aring si Cris Aspera, noong una ay kampante itong hindi mananakaw ang kaniyang bisikleta dahil nakakandado ito at may CCTV sa lugar.

ADVERTISEMENT

Base sa kuha ng CCTV, lumapit ang dalawang suspek papunta sa bahay ni Aspera pasado alas-3 ng madaling araw nitong Sabado.

Pinatungan ng tarpaulin ng isa sa mga ito ang bisikleta habang ang kasama naman nito ay nagsilbing lookout.

Saglit na binusisi ng mga kawatan ang bisikleta bago sinakyan ito paalis.

Sa hiwalay na insidente nitong Huwebes sa kalapit na Barangay 151, dalawang lalaki rin ang naaktuhan sa CCTV na nagnakaw ng bisikleta na nakapuwesto sa eskinita ng barangay.

Kumbinsido ang mga biktima na parehong mga tao ang tumangay sa kanilang mga bisikleta.

Inatasan na ng kapitan ng barangay ang mga tanod na igihan ang pagbabantay sa gabi.

"'Yong mga karatig-barangay may reklamo ring ganoon, kaya 'yong order ko sa ating mga tanod [ay] maging mapagmasid at night time kasi doon nangyayari ang insidente," ani Brgy. 151 chairman Gally Dilao. -- ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.