3 mistulang sinkhole lumitaw sa Taal, Batangas kasunod ng pag-ulan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 mistulang sinkhole lumitaw sa Taal, Batangas kasunod ng pag-ulan

3 mistulang sinkhole lumitaw sa Taal, Batangas kasunod ng pag-ulan

Dennis Datu,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 20, 2022 12:15 PM PHT

Clipboard

Ikinabahala ng mga residente ng Taal, Batangas ang mga pagguho ng lupa na lumikha ng 3 malalalim na hukay na mistulang sinkhole.

Ayon sa lokal na pamahalaan, naitala ang mga pagguho ng lupa sa Barangay Apakay.

Isa sa mga ito ay may lalim na 10 metro at lawak na nasa 4 na metro. Halos lamunin nito ang bakod at gate ng bahay ng residenteng si Pepito Balbacal.

“Natatakot ka, siyempre buhay nakalaan d'yan. Mamaya mahulog ka d'yan, malalim 'yan,” ani Balbacal.

ADVERTISEMENT

Tumawid ang mistulang sinkhole sa kalsada hanggang patungo sa gubat, kung saan mala-bangin din ang naging pagguho ng lupa.

Makikita rito ang pagguho ng lupa mula sa isang bahay hanggang sa gubat na bahagi ng Barangay Apacay. Larawan kuha ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Nangyari ang mga pagguho ng lupa matapos ang magkakasunod na malakas na pag-ulan nitong mga nakalipas na araw.

Simula nang pumutok ang Bulkang Taal noong 2020, may mga naitala nang ibang pagguho ng lupa sa Barangay Laguile at Barangay Cawit, ayon sa lokal ng pamahalaan. Iniulat din na nasa 89 bahay ang napinsala ng mga pagguho.

Hiniling na ni Taal Mayor Pong Mercado sa Phivolcs na masusing pag-aralan ang mga naglitawang hukay. Magpapadala ng mga tauhan ang ahensya sa Barangay Apakay ngayong Biyernes ng hapon.

Nauna nang sinabi ng lokal na disaster office at Phivolcs na delikado nang tirahan ang mga lugar na may pagguho ng lupa.

Naglaan ang lokal na pamahalaan ng pondo para sa pagtatayo ng relocation site para sa nasa 100 na residente.

Sa ngayon ay nilagyan na lamang ng harang o babala ang palibot ng mga sinkhole at pinaalalahanan ang mga residente na laging maging handa at obserbahan ang kanilang paligid lalo na kapag may mga nakikita nang mga bitak sa lupa.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.