Relief goods hatid sa mga taga-Oras, Eastern Samar | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Relief goods hatid sa mga taga-Oras, Eastern Samar

Relief goods hatid sa mga taga-Oras, Eastern Samar

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inabot ng 3 araw bago humupa ang baha sa Barangay Iwayan sa bayan ng Oras, Eastern Samar matapos tamaan ng bagyong Ambo.

Nasa tabing-ilog ang barangay kaya madalas bahain, at kahit walang bagyo, bangka lang ang puwedeng sakyan para marating ang lugar.

Halos kalahati ng bahay ni Bonifacia Pajanostan ang natangay ng rumaragasang tubig sa kasagsagan ng bagyo.

Maging ang maliit na bangkang inaasahan sa hanapbuhay, inanod din at hindi na natagpuan.

ADVERTISEMENT

"'Di ko nga alam kung paano kami ulit makakatayo sa tinitirhan namin," ani Pajanostan.

"Ang plano namin, maka-ano kami ng evacuation center na kumpleto, na puwede maanuhan ng mga tao... puwede matuluyan sa oras ng kalamidad," ani Iwayan barangay chairperson Erlinda Pajares.

Pagkokopra ang pangunahing kabuhayan sa ilang barangay ng Oras pero maraming puno ng niyog at iba pang pananim ang pinadapa ng Ambo.

Sakay ng bangka ang sako-sakong relief packs, pinuntahan ng ABS-CBN ang mga barangay ng Iwayan, Agsam, Sabang at Saugan sa Oras para mabigyan ng tulong ang higit 800 pamilya.

Sinikap din na sa pamamahagi ay masunod ang social distancing ngayong panahon ng COVID-19.

ADVERTISEMENT

"Tuluy-tuloy po ang pagbabahagi natin ng tulong kahit sa panahon ng COVID o wala," ani Sagip Kapamilya operations manager Earl Bacbac.

Labis naman ang pasasalamat ni Oras Mayor Vivian Alvarez.

"I'm very thankful sa ABS kasi agarang aksiyon talaga... less than 24 hours, nakasagot, nakatawid kayo agad," aniya.

"Siguro nga karugtong na ng ABS ang Oras. For the many times that we were in disaster, you were always there," dagdag ni Alvarez.

Isa sa volunteers si Andi Ballete, na inunang sumama sa relief operations sa mismong araw ng kaniyang birthday.

ADVERTISEMENT

"Siguro iyon na rin po ang regalo ni Lord ngayong birthday ko," ani Ballete. -- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.