Mga peryahan sa Negros Occidental, ipinasara ng NBI | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga peryahan sa Negros Occidental, ipinasara ng NBI

Mga peryahan sa Negros Occidental, ipinasara ng NBI

Mark Salanga,

ABS-CBN News

Clipboard

BACOLOD CITY -- Limang branch ng Peryahan ng Bayan sa Negros Occidental ang ipinasara ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa ilegal na sugal.

Sa bisa ng search warrant, pinuntahan ng mga operatiba ang mga branch ng Peryahan ng Bayan sa lalawigan nitong Linggo.

Inaresto rin ang 36 na kolektor at staff ng peryahan.

Ayon kay Atty. Renoir Baldovino, hepe ng NBI Bacolod, 2014 nang bigyan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng deed of authority ang isang kumpanya na mag-operate ng peryahan games sa Negros Occidental.

ADVERTISEMENT

Ngunit hanggang 2016 lamang ang deed of authority na ito at hindi na ito na-renew.

Dahil dito, maituturing nang ilegal ang patuloy na operasyon ng mga Peryahan ng Bayan.

Noong 2018, dalawang branches din ang nagawang maisara ng PCSO sa tulong ng NBI.

Ilan sa mga paglabag na nakita ng NBI ang kawalan ng point of sale (POS) device, na siyang naglalabas ng resibo para sa mga taya.

Kinakailangan ring magkaroon ng kinatawan ng PCSO sa bawat gagawing draw.

ADVERTISEMENT

Bukod dito, hindi rin umano nagre-remit ang mga peryahan ng kanilang kita sa PCSO.

Ipinasara ang mga branch na nasa bayan ng Murcia, E.B. Magalona, Hinigaran, Himamaylan City at Victorias City.

Haharap ng kasong paglabag ng Republic Act 9287 ang mga nahuli na kasalukuyang nasa kustodya ng NBI Bacolod.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.